“What the heck!” gilalas ni Darius nang marinig ang putok. Mabuti na lamang at saktong payuko na siya upang pumasok sa sasakyan nang marinig ang pagtawag sa kung saan na sinundan ng putok. Mabilis na pinasibad ang sasakyan. “Sh*t!” muling gilalas nang muling marinig ang putok at doon ay napagtantong siya ang target ng kung sinuman. Mabilis ang takbo at tinugpa ang daan patungo sa pinakamalapit na police station. Wala siyang inisip kanina kundi ang ang mag-ina niya. Tiyak na gusto talaga siyang patayin ng kung sinumang gusto siyang iligpit. Matapos isalaysay ang detalye sa pulisya sa pagtatangka sa kaniyang buhay ay naalala si Christiano kaya agad na tinawagan ito. Baka kasi napagbalingan ito ng taong gusto siyang itumba. “Hello? Are you okay?” maang na tanong nito na puno ng pag-aalal