May paghihinala sa isipan ni Kendra pero hindi na niya isinatinig. Sa dami ng mga nangyari ay siguro’y masyado lang din siyang nag-iisip. Pagpasok sa loob ay nakitang nagbibihis ang asawa. “Babalik din ako agad, babe. Kakausapin ko lang si Christiano,” ulit ni Darius nang yakapin siya nito buhat sa likod matapos itong magbihis. “Okay, babe. Mag-iingat ka,” aniya rito. Nang makaalis ang asawa ay napasapo si Kendra ng mukha. Muling naalala ang babaeng nadatnan sa opisina ng asawa. May kabang bumundol sa kaniyang dibdib lalo na nang makita ang mga titig ng asawa rito. Hindi man batid kung ano ang totoong ugnayan ng dalawa pero iba ang takot na umalipin sa kaniyang dibdib. Habang nakatunghay sa anak ay hindi niya maiwasang isipin na baka hindi si Christiano ang kakatagpuin nito kundi ang