NAGHAHALO pa rin ang takot at galit sa puso niya Devey, nang magsolo sila ng daddy niya sa laboratory. Hindi niya ito magawang tingnan nang deretso. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung kanino siya magtitiwala at kakapit. Magkaharap silang nakatayo pagitang ng stainless na lamesa. “Kailan mo pa nalaman ang tungkol kay Ella?” mahinahong tanong ni Dario sa kanya. “Matagal na,” tipid niyang sagot sa ilalim ng matigas na tinig. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?” “Kung sinabi ko ba papatayin n’yo si Ella?!” paasik na usig niya rito. “As I said before, the black ribbon was the most dangerous virus in the world. Wala itong lunas dahil hawak ni Dr. Dreel ang secret formula kung saan malalaman sa formula kung paano gawin ang vaccine. Ang black ribbon virus ay mahirap ma-detect kap