Brand new life, iyan ang tawag ni Zachi sa buhay niya ngayon. After everything that she went through, she’s finally at peace again. She got back her life again, mas maganda pa nga ngayon. That lonely and painful chapter of her life was closed already. She now has a new life. “What do you think about this, Zach? Pretty ba?” Agad na binalingan ni Zachi ng tingin ang kanyang kaibigan na may mino-model na Chanel flap. Naningkit ang mga mata niya at saka sinipat ang suot ni Iris. Tumango siya rito. “Yep, it suits you naman,” sabi niya rito. Ngumisi naman agad si Iris. Impit na tumili pa ito at saka muling tiningnan ang sarili sa full body mirror ng boutique. Nailing na lang ni Zachi ang ulo at saka bumalik na sa pagpili ng mga bag. Inisa-isa niya ang mga nandoon at nagsukat-sukat pa. Nasa

