Hindi pa rin makapaniwala si Zachi sa kanyang nabasa. Halos buong lunch nila ni Ivo ay iyon ang topic niya. Binasa na niya lahat ng articles patungkol sa lalaki at halos lahat ng iyon ay pare-pareho. Nahuli si Joseph na nagpi-pictorial sa isang underground na p**********n scheme. Kasabay nitong nadampot ay ang mga models na kasama samantalang ang manager na siyang utak ng pictorial ay nakatakas at pinaghahanap pa rin ng mga pulis. Napalunok si Zachi at saka napatingin kay Ivo. Kasalukuyan kasi silang nasa opisina pa rin ni Ivo at kumakain ng lunch. “Ah,” sambit ni Ivo at sinubuan siya. Ngumuso siya at saka ngumanga rin at sinubo ang kutsara. “I still cannot believe this, Iv,” sabi niya pa rito. Nangunot ang noo ni Ivo sa kanya. “And what do you mean by that?’ balik na tanong naman

