Lumingon si Zachi sa gawing kaliwa niya nang marinig ang pagbukas ng main door. Nag-angat siya ng kilay nang makita si Ivo na pumaosk. May dala itong briefcase. Hindi na niya kailangan pang itanong kung saan ito galing dahil panigurado ay sa opisina. Napairap siya sa naisip. Hindi natinag ang katigasan ng ulo ni Ivo at talagang kung anong gusto nito ay nasunod. Kasama na roon ang kagustuhan nitong maglabas-pasok ng safehouse habang siya ay nabubulok na roon sa sobrang boredom. Halos maubos na nga niya lahat ng mga movies sa lahat ng sites dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang manood. “Zach…” sambit nito at akmang lalapit sa kanya pero agad naman siyang tumayo at iniwan ito roon. Yakap-yakap niya ang kanyang iPad at dumiretso na siya sa kwarto niya. Ewan niya kung gaano sila katagal

