“Hi!” nakangiting bungad ni Zachi nang magising si Ivo. Agad na kumunot ang noo ni Ivo nang makita siyang nasa kusina. Kusot-kusot pa nito ang mga mata at halatang kagigising lang. Humikab pa ito at saka lumapit sa kanila. Ivo was wearing a boxer shorts and a black sando. “You cooked?” takang tanong pa nito at saka bahagyang sininghot ang niluluto niya. Proud na ngumiti si Zachi sa kaibigan. “Yeah, simple breakfast lang. Lika na, Iv,” sabi niya pa at saka pinatay na ang stove. Kinuha niya ang huling batch ng ulam – which is hotdog – at inilagay iyon sa platong nasa lamesa na. Kunot na kunot ang noo ni Ivo na lumapit sa kanya. Isa-isa pa nitong tiningnan ang mga niluto niya na para bang kinikilatis iyon kung pasado ba o hindi. Napasimangot tuloy siya. “Grabe naman iyang mga tingin mo