“That mother fucker!” “Zeron!” Muntikan nang mapatalon si Zachi sa sobrang gulat nang dumagundong sa buong opisina ang boses ng kanyang ama. Nasa couch siya noon ng opisina ng ama niya. Kasama niya si Ivo at ang kanyang mommy na pinapakalma ang ama niyang galit na galit na roon. Kagat-kagat ni Zachi ang labi habang akbay-akbay siya ni Ivo. Hindi na sila nakabalik pa ng opisina pagkatapos ng nangyari sa restaurant. Sobrang bilis ng balita at agad na nakarating sa ama niya ang nangyari sa restaurant. As expected, her daddy was furious. Agad na pinabalik sila ng mga ito papunta sa bahay nila. “He had the face to show up and talk to you?! Sinusundan ka ba niya?!” galit na sambit nito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Ivo sa kanyang tabi. “I’m sorry about that, Tito. Hindi ko