“Hey, are you okay? May ginawa ba siya sa’yo, ha?” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Zachi nang makita ang kaibigan na nagpa-panic na. “Ay, iba ang concern.” Halos sabay na napatingin silang dalawa ni Ivo sa kanyang mga kaibigan na prenteng mga nakaupo sa couch sa gilid ng kanyang opisina. Kumaway pa ang tatlo sa kanya. “And they’re here,” sabi pa ni Ivo. Narinig niyang tumawa ang tatlong kaibigan niya. “Grabe naman, Iv, so possessive, ha,” asar pa ni Iris. Nakagat na lang ni Zachi ang labi at namasahe ang kanyang noo. Mukhang masi-stress siya sa mga ito. “Guys, can we talk first?” singit niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mga kaibigan niya bago sabay-sabay na tumayo ang mga ito. “We’ll go ahead. Ingat ka, Zach, okay?” si Mara bago bumeso sa kanya. Sumunod din iyong dal