“Zachi, dinner na.” Naalimpungatan si Zachi nang marinig iyon. Napakurap-kurap pa siya at agad na napaupo. Nasa may pintuan si Ivo at hinihintay siya. Kinagat niya ang labi at saka tumayo na at lumapit dito. Ivo kept his poker face while looking at her. Kinagat niya ang labi. “Is everything really fine, Iv?” hindi na niya mapigilang magtanong. Kumunot ang noo ni Ivo sa kanya. “Why?” Ngumuso siya. “Hindi ko alam. I feel like something is wrong and you’re hiding something from me…” mahinang sambit niya. Nakatitig lang ulit si Ivo sa kanya. Hindi ito nagsalita. Ivo then caressed her face. “It’s for your own good. Come on, let’s eat,” anito tapos ay hinalikan siya sa labi. Napaawang ang bibig ni Zachi nang bigyan siya nito ng mararahang halik. Napahinga na lang siya nang malalim at s

