Hindi na alam ni Zachi kung ilang oras na siyang nakatitig sa salamin. Gabi na noon at katatapos lang niyang mag-skin care. Hindi niya alam kung bakit pero hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang mga sinabi ni Ivo kanina noong nasa Golf Club sila. Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Ivo tungkol sa kasal pero hindi naman iyon ang nakakapagpabagabag sa kanya. It was the fact that she was feeling unnatural towards Ivo. Hindi na talaga normal at puso na niya mismo ang nagsasabi. Lokang-loka siya sa sarili. Ewan na lang talaga niya. Bumuga siya ng hininga at saka tiningnan ang bagong message ni Ivo. Picture ito ng workplace nito. Sa salamin ay kita niya pa ang repleksyon ng lalaki kaya napailing na lang tuloy siya. Kinagat niya ang labi at saka nag-type ng reply. To: Ivo Flexin

