Walang naging choice si Zachi kundi ang pumunta sa opisina ng mga Cuanco para um-attend ng board meeting. Late pa nga siya nang dumating dahil nagsisimula na ang mga ito. Tahimik na pumuwesto na lang siya sa may dulong upuan ng conference room habang nagdi-discuss na ang mga tao tungkol sa ni-present kanina. Hindi niya naman alam kung ano iyon dahil hindi niya naabutan. Ikinalat niya ang tingin sa buong kwarto at nakita niya si Ivo sa pinakaunahan ng lamesa habang nakatitig sa malaking projector sa harapan. Naka dekwatro ito ng upo at nakakuros pa ang mga braso habang seryosong-seryoso sa pagtitig sa nagpi-present. Nakagat tuloy ni Zachi ang labi. Ayan na naman ang paghaharumentado ng kanyang puso. Ewan ba niya kung bakit pero gwapongg-gwapo siya kay Ivo noong araw na iyon nap ag naiisip

