“Zachi!” “What is it, Ya?” natatawang tanong ni Zachi sa katulong nila. She was on the way to the office at kukuha lang sana ng makakaing dadalhin sa opisina nang makita ang isa sa katulong nila na parang kinikilig pa at may dalang isang malaking bouquet ng sunflowers. “Para saan iyan?” takang tanong niya rito. “Para sa’yo!” Parang kiti-kiti nitong inabot ang malaking flowers sa kanya. Kunot ang noo at nagtatakang tinanggap iyon ni Zachi. “What? Anong meron? At saka kanino galling ito?” Napasinghap siya at sinuri ang bulaklak kung may card. Tumikhim pa siya. True enough, may isang maliit na card na nakaipit doon. Kinuha niya iyon at saka tiningnan. Morning flowers for you. - Ivo. Wala sa sariling napasinghap si Zachi at napangiti. Umiling siya at saka tinitigan ang bulakla

