“You’re blooming,” Zasa commented. “Huh?” Zachi asked. Nasa hapagkainan sila at sabay nag nagbi-breakfast. Umalis na ang kanyang mga magulang at si Zero kaya sila na lang ni Zasa ang nandoon. Her sister rolled her eyes at her. “Maang-maangan galore?” taas noong sambit nito. Zachi’s lips parted. “What the hell are you talking about?” Iniiwas niya ang tingin sa kapatid. Bigla ay kinabahan siya sa tono ng boses ni Zasa. Ewan ba niya. Para siyang teenager na natatakot malamang may boyfriend na siya. ‘Gosh, Zachi, ano ba naman iyan!’ “Hay nako, Ate. You’re weirdly blooming you know. I don’t know what it is, but yeah, you’re weird.” Saglit na tiningnan niya ito at nakita niyang nakangisi lang ang magaling niyang kapatid. Siya naman ang umirap dito. “Think whatever you want, duh,” sa