“Zachi, teka lang! Uy!” Marahas na umiling si Zachi at saka tuluyan nang tumakbo papunta sa admin ng resort. Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa. Kung kanina na sobrang namumula siya, hindi na niya alam kung gaano na siya kapula ngayon. Hindi na niya kung anong klaseng red ang mukha niya ngayon. ‘s**t. s**t. s**t! Ano bai yon, Zachi?! How can you say it outloud? Why did you say it outloud?!’ “Zachi, hintay naman, uy!” tuloy-tuloy pa rin ang paghabol ni Joseph sa kanya at rinig na rinig niya ang pagsigaw nito ng kanyang pangalan pero hindi niya pinansin at tuloy-tuloy na rin pagpasok. Wala siyang tigil sa paglalakad. Pinanatili niyang nakayuko lang ang ulo at sinuot ang mga kumpol ng tao roon. Hindi na niya alam kung saan siya nakarating hanggang sa natagpuan niya ang sariling nas