Hindi maintindihan ni Zachi ang nararamdaman. Parang may umahon sa kanyang dibdib na sobrang intense na pakiramdam. Naghaharumentado ang kanyang pusong bumalikwas ng bangon sa kama. ‘s**t. What is he doing in there?! I thought he has a meeting?!’ Mangiyak-ngiyak na tumakbo siya sa kanyang closet habang parang sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Gulat na gulat pa si Zasa sa kanya nang halos tabigin niya ito para humablot ng damit doon. “Hey, ang sakit, ha!” reklamo pa nito pero hindi niya pinansin. Mabilis na nagbihis siya ng kung anong una niyang nakuhang damit. Npasinghap pa si Zasa sa kanya. “Anong nangyayari at bakit ka nagmamadali?” Hindi niya ito sinagot at dire-diretso siyang lumabas sa walk-in closet. “Ate, saan ka pupunta?!” sigaw pa nito pero hindi niya pa rin pin

