Humihikbi pa rin si Zachi habang nakayakap kay Ivo. Kagat-kagat niya ang labi habang nakabaon pa rin ang mukha sa dibdib ni Ivo. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang kahihiyang ginawa niya kanina. ‘Kasi naman, e! My gosh, Zachi! Those were businessmen!’ Mariin siyang pumikit at gusto na lang niyang magpalamon sa lupa sa sobang kahihiyan. She groaned in Ivo’s chest. Agad na pinatingala ni Ivo ang kanyang mukha gamit ang hintuturo nitong inilagay sa kanyang baba. Ngumuso siya nang makaharap ang mukha ni Ivo. Kumunot naman ang noo ni Ivo habang nakatitig lang sa kanya. “What’s wrong?” nagtatakang sambit pa nito. Mas tumulis ang nguso niya. “Nakakahiya iyong ginawa ko,” mahinang sambit niya. Bumuntong-hininga lang si Ivo at saka hinaplos ang buhok niya. “Hey, no, it’s fine, okay?

