“Mom, I’m going na!”
Nagmamadaling bumaba si Zach isa kanilang grand staircase.
“Faster, Zachi, your dad is leaving,” sagot naman ng ina niya. She bit her lip and ran towards her mom in the kitchen.
“Bye! Love you!” Mabilis na kinuha niya ang isang sandwich na pinahanda niya bago tuluyang tumakbo papunta sa labas kung saan naghihintay ang kanyang Daddy sa sasakyan.
“I’m ready, Dad!” masiglang sabi niya pagkapasok na pagkapasok ng SUV sila. Katabi niya ang Daddy niya at sa harapan naman ang kanilang isang security.
Sumandal siya sa likod ng upuan at ipinagkuros ang kanyang hita.
“Is Ivo replacing Xamuel already?” She heard her Daddy asked.
Ngumuso siya. “Maybe, I mean siya na ang pinapadala sa ibang business trips, e. Though Tito Xamuel didn’t say anything about retiring pa, Dad,” sagot niya rito.
Nang tingnan niya ang ama ay nakita niyang tumango-tango pa ito at tila ba nag-iisip nang malalim. Nagsalubong tuloy ang kanyang kilay.
“What are you thinking, Daddy?” curious na sabi niya. Agad na lumingon ang daddy niya at pinaningkitan pa siya. May bahid ng ngisi na ang mukha nito kaya medyo nanlaki ang mga mata niya. “What is it now?” maypagdududang tanong niya. Bigla ay kinabahan tuloy siya.
Minsan kasi nadadala pa rin yata ng daddy niya ang pagiging mapaglaro nito. Baka kung ano na naman ang maisip nito para sa kanya. Noon kasi napag-tripan na siya ng Daddy niya noong ipadala siya nito sa isang business convention sa Laguna pero ang sinabi nito ay party raw, e, siya itong party girl, pumayag naman. Laking gulat na lang niya nang pagkarating niya roon ay convention pala.
Sobrang na-badtrip siya noon pero ang magaling niyang Daddy ay tawang-tawa. Even when he aged, he was still the same Zeron Fortejo before, napakamapaglaro at mapang-asar. Parang bata pa rin sab inga ng Mommy niya.
“What? I am not thinking anything, Zachi,” defensive na sabi pa nito tapos tumawa. Napasinghap si Zachi.
“Daddy nga!” reklamo niya pa pero mas tumawa lang ang Daddy niya. Napasimangot siya.
“Okay, hija, okay. Chill, I promise I won’t pressure you. I’m not like your Mom,” sabi pa nito sa kanya. Umiling pa ito sa kanya. Mas ngumuso siya. Narinig niya pang bumuntong-hininga ito tapos ay tumingin sa kanya. “You’re really a grown up, now, huh,” tila hindi makapaniwalang sabi pa nito na parang noon lang napagtantong malaki nan ga siya.
Bumuga siya ng hininga at tiningnan ito.
“I’ll always be your first baby girl naman, Dad. Pwede mo pa rin akong i-spoil like a kid,” sabi niya pa. Tinaasan siya ng kilay ng ama.
“Your mom will not like that,” natatawang sabi pa nito.
Umirap siya. “Duhh! You’re a rebel. Kaya nga partners in crime tayo always!” sabi niya pa.
Umiling lang ang Daddy niya saabay ngisi.
“Sorry, kid, your Mom’s my boss now,” anito at ginulo ang buhok niya.
She groaned. “Gross. Kahit wala si Mom nakakalandi kayong dalawa!” reklamo niya na tinawanan lang ulit ng kanyang Daddy.
Maya-maya pa ay kinuha nito ang cellphone tapos ay sunod niyang narinig na nag-uusap na ito at ang mommy niya. Napailing na lang siya. Sumandal siya sa bintana at ipinokus ulit ang tingin sa cell phone habang naglalandian ang mga magulang niya.
‘Gosh, so PDA pa rin kahit ilang years na, ha.’
Habang nasa biyahe ay tinext niya si Ivo.
To: Ivo
I’m on my way na!
From: Ivo
Same.
To: Ivo
I’m with Dad, by the way.
From: Ivo.
Ohh, will Tito give you a high position already?
She couldn’t help but rolled her eyes with what she saw.
To: Ivo
Nahh asa ka pa. She wants to be Lady Addelaide kuno nga di ba. Gosh.
From: Ivo
Hahahah he just doesn’t want you to be a brat.
To: Ivo
Whatever
Ipinilig niya na lang ang ulo. Nang balingan niya ang ama ay nakikipag-usap pa rin ito sa Mommy niya. Umiling siya. After a hectic traffic, they finally arrived at the Fortejo Group. Zachi was walking beside her Dad as they went inside the building. Sinalubong agad sila ng mga bati galing sa mga empleyado. Tumatango lang ang Daddy niya sa mga ito. Siya naman ay ngumingiti at kumakaway lang din.
“I have a 10 AM meeting, Zachi. I’ll tour you after,” sabi ng Daddy niya pagkapasok nila ng exclusive elevator.
Ngumuso siya at tumango lang dito.
“Okay, Dad. Ivo’s coming din naman para samahan ako,” sabi niya pa.
Agad na lumingon ang Daddy niya sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay.
“Really, huh?” tanong pa nito.
Napairap siya. “Yeah, yeah, Daddy.” Narinig niya pang tumawaang ama. Sumandal na lang siya sa dingding ng elevator.
Pagdating sa top floor, dumiretso ang daddy niya sa meeting nito sa conference room kaya tumambay na lang muna siya sa opisina nito. She kept herself busy in looking at some files in her dad’s table. Ilang saglit pa ay tumawag na rin si Ivo sa kanya. Agad siyang napatayo sabay sagot sa tawag nito.
“You here na?” bungad niya pa.
“Yeah. Just got out of the car.”
“Great! I’m upstairs, sa office ni Dad. Punta ka na lang dito!” excited na sabi niya. Well, what could she say, bored na bored na siya roon sa opisina ng daddy niya.
“Yeah, wait for me,” sabi ni Ivo.
Ngumisi lang ulit siya. Binaba na niya ang tawag tapos ay sumalampak sa sofa na nasa gilid. Nakatitig lang siya sa kanyang cell phone habang hinihintay si Ivo. Ilang saglit pa ay narinig niyang may kumakatok na sa labas kaya agad siyang tumayo para salubungin ang kababata.
“Hey!” bati niya at bumeso kay Ivo.
“Hi,” sabi naman nito at hinagkan pa siya sa noo after ng beso. Pinapasok niya si Ivo at sabay silang sumalampak sa sofa.
“Are we waiting for Tito?” tanong pa nito.
Nagkibit-balikat siya. “Yep. Sabi niya. Are not busy today though?” balik na tanong niya naman dito. Ivo just shrugged, too.
“I asked Dad for a free day kahit ngayon lang,” sagot nito.
Ngumisi si Zachi at sinundot pa ang kaibigan. “You made a leave for me pa talaga, ha! Yiee! Love you, Iv!” sabi niya sabay yakap ng mahigpit dito. Natawa pa siya nang marinig niyang umismid ito.
“Tss. Get off. Why don’t we go to the cafeteria first? Matagal pa yata si Tito,” anito. Ngumuso siya pero agad din namang tumayo para sumama sa kababata.
Umangkla pa siya sa braso ni Ivo habang paalis sila ng opisina. Ngising-ngisi si Zachi habang mahaba naman ang mukha ni Ivo. Pinagtitinginan na sila ng mga empleyado roon.Kadalasan pa ay rinig na rinig niya ang bulong-bulungan ng mga ito pag dumadaan sila.
“Ay perfect couple, te.”
“Ay oo nga. Sana all.”
“Te, bagay na bagay talaga sila kasi nga mayayaman sila, te. Magkadikit na rin yata ang mga pusod ng dalawang iyan, no.”
“Ay, informed na informed?”
“Syempre, marites tayo!”
Zachi couldn’t help but rolled her eyes upon hearing those. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung kailan matitigil ang rumors tungkol sa kanila ni Ivo, e. Kasi naman, elementary palang yata sila ganoon na ang chika. Baka mahinto lang ang mga iyon kung magkaka-jowa na silang dalawa ni Ivo.
Naningkit ang mga mata niya at agad na napatingin sa kaibigan na seryosong nakatingin lang sa harapan. Ngumuso pa siya rito.
‘So sungit, Ivo. Gosh.’
She pouted and poked him on the arms.
“What?” masungit na sabi nito.
Umirap siya. “Bakit ang grumpy, ha?” taas kilay niyang sabi.
Saglit na tumitig pa si Ivo sa kanya pero sa huli ay bumuntong-hininga naman ito. “Let’s just walk faster, shall we?” anito na mas ikinanguso ni Zachi.
“Gosh, kaya ka di nagkaka-girlfriend, e,” sabi niya pa sa kaibigan sabay tawa rito. Hinila niya na lang ito papunta sa cafeteria ng kompanya.
All the way to the cafeteria ay panay ang greet ni Zach isa mga nakakasalubong nila. Si Ivo na ang nag-order para sa kanila at siya naman ang humanap ng upuan. Pumangalumbaba siya sa lamesa habang hinihintay si Ivo. Mula sa kinauupuan niya ay kitang-kita niya ang pag-order ng kababata. Kinuha niya ang kanyang phone. Kitang-kita niya rin ang mga babaeng nagsisitinginan sa kanyang kaibigan. Napailing na lang siya. Ivo’s handsome, she won’t deny that naman. Marami rin namang nagkaka-crush dito at madalas pa nga ay siya ang ginagawang bridge ng mga ito. He’s also really fit. Pasok na pasok sa banga sa mga type ng kadalasang babae kaya di rin siya talaga nagtataka.
It's just that when it comes to them, she just can’t imagine it. Kasama na niya ito mula bata pa siya, e. Parang pamilya na ang turingan nila talaga. Minsan nga mag spoiled pa siya kay Ivo kaysa sa mga kapatid niya, kaya hindi niya talaga maisip na maging sila romantically, it just doesn’t fit.
She shook her head and pointed her phone’s camera on Ivo’s back. Napapairap na lang siya habang tinitingnan ang mga nasa counter nag rabe kung makatitig kay Ivo. Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka ni-boomerang ang paglalakad ni Ivo pabalik sa kanilang table. Kunot na kunot pa ang noo ni Ivo habang palapit sa kanya.
Binaba niya ang cell phone at sinalubong ang kaibigan ng ngisi.
“Thank you!” sabi niya pa. Inilingan lang siya ni Ivo.
Kumain na silang dalawan pagkatapos. Dinadaldal niya si Ivo tungkol sa mga plano niya ngayong mukhang bibigyan na nga siya ng kanyang daddy ng position sa kompanya. Nakikinig lang naman ang lalaki at paminsan-minsan ay tumatango rin.
“You think ano maganda na position?”tanong niya pa habang nag-iisip din. If ever na papiliin siya ng daddy niya kung saang department, at least may sagot na siya. And Ivo basically knows what she wants or kung anong bagay sa kanya habang siya ay medyo undecided pa sa totoo lang. Kaya nga nanghihingi siya ng advice dito palagi, e.
“Just choose what you want,” sabi pa nito.
Ngumuso siya. “Hmm. Wala pa talaga akong choice, e. Shall I go sa editorial muna? I mean, sabi ni Mommy, she prefer me to explore every department para alam ko ang ins and outs, I don’t know. Baka iyon nga gawin ni Dad. Boss pa naman noon si Mom.” Bahagya siyang tumawa.
“Then go editorial. After all, Fortejo Publishing is your company core, right?” tanong ni Ivo sabay subo ng kanin nito.
“Hmm. Pwede rin. Ugh. I don’t know. Help mo na lang ako later,” sabi pa niya at nginisihan ang kaibigan. Ivo just shook his head again.
“Whatever pleases you, Zachi,” sabi pa nito. Zachi just chuckled before digging into her food again.
Matagal silang natapos sa pagkain kasi dinaldal niya pa roon si Ivo tungkol sa mga plano rin nito sa buhay ngayong parang magre-retire na nga ang daddy nito. Tinapos lang nila agad ang pagkain nang tumawag na ang daddy niya at tapos na raw ito sa meeting. Mabilis na umalis sila ni Ivo roon. Pabalik na sila ng top floor nang makasalubong nila ang kumpol ng mga empleyado.
Zachi scanned the group who immediately went to the side when they passed by. Nginitian niya pa ang ibang mga tumingin, but then her eyes settled on the guy who was at the end of the employees line. Hindi ito nakatingin sa kanila, sa halip ay kinakalikot nito ang DSLR na nakasabit sa leeg nito. The guy looked to serious.
Zachi's lips parted as she stared at the guy.
‘He looks familiar!’
Her forehead creased as she tried to remember where she saw the guy. Napasinghap lang siya nang maramdaman ang paghila ni Ivo sa kanyang bewang.
“Are you okay? The elevator’s here,” sabi nito at hinila na siya papasok sa express elevator. Nanatili ang tingin niya sa kawalan. Hindi na niya nakikita ang lalaki. Saktong pagsara ng elevator nang maalala niya kung saan niya nakita ang lalaking iyon at kung bakit tila pamilyar ito sa kanya.
“Oh my gosh!” she exclaimed. Napatakip pa siya sa kanyang bibig.
“What?” gulat na tanong ni Ivo. Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa kaibigan. “That was my crush! Oh my gosh, Iv! Iyong photographer na crush ko! Shocks!”