“What?” Kunot na kunot ang noo ni Ivo kay Zachi.
Nanlaki ang mga mata ni Zachi at kinagat ang labi habang nakatitig sa kababata. Ivo watched her carefully. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Ngumuso siya sa kaibigan.
“Why so shocked? I told you na kaya noong sa hotel. Omg! Siya iyong sa hotel, Iv! Dito pala siya nagwo-work!” impit na tili niya at napapikit pa sa kilig. Niyugyog niya pa si Ivo sa balikat.
“Tsk. You cannot be having crush on him,” malamig na sabi ni Ivo. Agad na napatifil si Zachi at tumitig sa kanyang kaibigan.
“And why not?” Ipinagkuros niya ang dalawang braso at tinaasan ito ng kilay.
Ivo’s forehead creased. “Really? That photographer? That’s not even your type.” He hissed.
Nagbago ang timpla ng mukha at mood ni Zachi. Tiningnan niyang mabuti ang kaibigan.
“Seriously? What do you even mean by that?” mataray na tanong niya.
Kita niya ang bahagyang pagkatigil ni Ivo. Nagkatitigan silang dalawa. Sumimangot siya rito. Ivo scoffed. “I’m just saying, Zach. You don’t even know the man. Isa pa, iba ang kutob ko sa lalaking iyon. Don’t let your guard down,” anito.
Ngumuso si Zachi at saglit na tumitig sa kaibigan. Sa huli ay bumuntong-hininga siya at saka umirap. “Tsk. You’re so paranoid, and napaka judgemental mo rin, seriously? I mean, sabi mo nga di pa natin kilala talaga, so, you can’t be sure din, no. Tsaka hello, it’s just a crush. But yeah…I like him.” Ngumisi siya.
Narinig niya ang pagsinghap ni Ivo. Saktong tumunog naman ang elevator kaya sabay silang napalingon doon. “Tara!” sabi niya pa at hinila na ito palabas. Hindi na nakapagsalita si Ivo at nagpatianod na lang sa kanyang kaibigan.
Napailing pa siya nang halos patakbuhin siya nito papasok ng opisina ni Zeron. Nakasalubong pa nila ang iilang mga board member na bumati sa kanila.
“Zeron, it looks like your daughter will be tied to a Cuanco, huh,” ani ng isang board member at nakipagtawanan pa sa daddy ni Zachi. Agad siyang napangiwi sa sinabi nito.
‘Ughh. Oh gosh, seriously? Wala na bang katapusan ito? I mean, hello?’
Umirap siya. Narinig niya ring umismid si Ivo. Tumikhim ito pagkatapos.
“Tito, we’ll go ahead to your office?” tanong pa ni Ivo.
Lumingon si Zeron sa kanila. “Oh, no need, let’s head to the tour already. Zachi, faster. I will still have to meet your mom,” sabi ng daddy niya at nilagpasan sila ni Ivo.
Ngumuso si Zachi at muling umirap. Umangkla siya kay Ivo at saka sumunod na rin sa Daddy niya. And that’s how she started her tour. Inikot siya ng ama sa iba’t ibang department ng kompanya. Nang makarating sila sa publishing team ay nakagat niya na lang ang kanyang labi. Nandoona ng crush niyang photographer.
“Good morning po, Sir Zeron!” agad na bati ng Editor-In-Chief. Tumayo ang mga empleyado sa cubicle. Everyone was looking at them that time. She kept her smile on her face.
“Good morning, everyone,” ani ng daddy niya at sinimulan nang ipakilala ang mga nandoon. “Our creative team, Miss Sharon and Shana two of our writers, Mr. Joseph our newly hired photographer.”
“Good morning po!” halos sabay na sambit ng tatlong bagong ipinakilala. Nakagat ni Zachi ang labi. Saglit na tumango siya sa mga ito. Nanatili ang kanyang mata sa lalaking si Joseph na tahimik lang na yumuko.
“To the finance, hija,” her father called. Agad na lumingon siya roon.
“Tss,” she heard Ivo. Kumunot pa ang noo niya nang maramdaman ang tila kakaibang tingin ng kanyang kababata sa kanya.
“What?” tanong niya pa rito pero umirap naman ito. “Gosh, ang weird mo.” Ipinilig niya na lang ang ulo at nakinig nang muli sa ama.
Her company tour lasted for almost three hours. Minadali nga ng daddy niya at may lunch daw ito at ang kanyang mommy. Hinayaan na lang din niya muna. After that tour, nagpahatid na rin siya kay Ivo sa malapit na mall. She just couldn’t stand him being grumpy the whole day dahil lang sa sinabi niyang may crush siya roon sa photographer.
Although gets niya ang pagiging overreacting ni Ivo. May trust issue kasi ang kababata niya sa mga tao. Ever since, sobrang maingat ito sa mga taong nakakasalamuha. Kinuwento nito sa kanya iyong nangyari sa Mommy Ivory nito noong bata pa lang siya. Muntik na kasi itong ma-kidnap at ang mommy naman nito ay na-kidnap talaga. Ever since that day, grabe na ang security details ng mga Cuanco. Namana ni Ivo ang pagkasegurista ni Xamuel Cuanco kaya ayan kahit na halata namang ordinaryong tao lang ay pinaghihinalaan nito ng kung ano.
Bumuntong-hininga si Zachi at saka bumaling kay Ivo.
“I’ll go ahead na,” sabi niya sabay tanggal ng seatbelt. Nakanguso siya sa lalaki. Lumingon naman si Ivo sa kanya. Saglit na tinitigan siya nito bago nito guluhin ang kanyang buhok.
“Ingat. And please, don’t do something reckless, okay?” paalala nito na para bang may gagawin na naman siyang kapasawayan. Sumimangot lang siya rito.
“Tsk. I know, okay. I’m not a kid na kaya,” sabi niya lang at saka lumabas na ng kotse. Huminga siya nang malalim at kinawayan pa ang kaibigan bago tuluyang pumasok ng mall. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang kanyang cell phone. She dialled her friend’s number.
“I’m here na, where are you guys?”
“Zach! Nasa Starbucks kami sa second floor. Complete na kami here!” sambit ni Mara sa kabila. Tumango siya.
“Okay, okay. I’ll be there na!”
“Sige, ciao!”
“Ciao!”
Binaba niya ang tawag at saka pumunta na sa sinasabi ng mga kaibigan. Nang makarating sa Starbucks ay agad niyang namataan ang mga kaibigan na nasa isang sulok. Mara, Sheena and Iris were her friends since high school. And until now, they still hangout with each other.
“Zach!” Mara, the girl with a blonde shoulder-length hair called. Ngumiti at kumaway siya sa mga ito.
“Hi, girls!” bati niya pa at bumeso sa mga ito.
“Looking good, huh!” Sheena commented. She laughed a bit before sitting down.
“I’ll order for you, sis,” si Iris.
“Thanks!”
“Himala, a, Ivo didn’t come,” ani Mara nang makaupo siya. Kumunot ang noo niya rito.
“Why naman? I mean he knows na this is a girl’s date, no,” aniya pa.
Sheena chuckled. “Duh, you know naman na how protective Ivo is, no!” Nagtawanan silang tatlo.
Napailing na lang si Zachi. “Well, I know. And kanina nga muntik pa kaming magkasagutan,” kwento niya pa.
Agad naging attentive iyong dalawa. Saktong bumalik na si Iris kaya kumumpol agad ito sa kanila.
“Omg, what’s the latest?” nanlalaking matang tanong pa nito. Bahagyang napairap si Zachi.
Bumuntong-hininga siya at saka nagkibit-balikat. “Eh kasi nga ganito, I was doing my tour kanina di bas a company para makapag-decide na ako kung what department will I take, and then I found out na nandoon pala iyong crush ko na photographer! Iyong nakita ko sa hotel noong birthday ko? And oh my gosh! He’s so gwapo!” Zachi skrieked. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan niya sa kilig. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha niya at sapo-sapo niya pa ang kanyang pisngi habang nakapangalumbaba.
“So, what’s his name?” Mara winked.
Zachi smiled dreamily. “Joseph…” Kinagat niya pa ang kanyang labi. The girls giggled with her.
“Oh gosh! Edi mag publishing ka na lang! I mean, duh!” Sheena said.
She pursed her lips before sitting properly.
“Hmm. I don’t know, though, but yeah, I was thinking of joining the publishing dep naman talaga…hmm I don’t know really.” She chuckled.
Mara raised her brows. “So, how is this about Ivo nga ulit?” Nagtinginan ang dalawa pa niyang kaibigan. Zachi pouted and crossed her arms.
“Well, nagiging paranoid na naman siya and all. Sabi niya I cannot be liking the man daw and I cannot be close to him, I mean, hello? What’s wrong with him, anyway? Umaandar na naman ang pagiging paranoid niya sa totoo lang,” rant niya pa.
The girls just laughed at her statements. Napailing pa si Mara. “Well, he’s like that na naman ever since di ba?”
“Or he’s just jealous!” Sheena exclaimed, smirking.
Zachi gasped and looked at her friend. “Shut up nga. Friends nga lang kami, okay? I mean, gosh!” Inilingan niya ang mga ito.
Tumawa si Iris at Mara habang umirap naman si Sheena. “You can never tell, Zach, Wag magsalita nang tapos.” Sheena smirked.
Zachi looked at her friend in disbelief. “Come on! Stop it nga, pwede! We’re friends, Ivo’s fine and I am. That’s it. No other meaning. Nada. Na-uh,” she said dismissively. Kitang-kita niya ang pagtinginan ng tatlo bago sabay-sabay na nagngitian at nagngisihan.
“Bakit kasi di na lang si ivo, sis?” Si Iris.
“We’re just friends nga kasi,” giit niya pa.
“Gosh, sis! Halatang - halata na kayo!” sambit naman ni Sheena.
Napaawang na lang ang bibig ni Zachi.
“There’s nothing going on with us nga!” inis na sambit na niya.
Nagtawanan ang tatlo.
“Fine, sis. Fine,” si Mara.
Napairap na lang siya.
‘Gosh, pati ba naman ang mga ito? I mean, gosh ha!’
“Can we stop it na,” sabi niya na lang. Hindi na rin naman nagsalita ang tatlo. Saktong dumating na rin ang kanilang order. She just changed the topic into something else. Medyo nabuburyong na kasi talaga siya sa mga Ivo and her topics, no. Naloloka na siya sa mga ito. After Starbucks, they went shopping the whole day to which her mother knew kasi nagamit niya pala ang credit card niya na galing dito.
Ang ending tuloy nasermonan na naman siya sa pagbili niya ng bagong Chanel. Oh well, what’s new. Sanay na siya sa mommy niya, no. She just didn’t want her to be a spoiled brat. Never naman siyang ni-spoil ng ina talaga. Spoiling is more of his dad’s.
“Gosh, shopping calms my nerves talaga. We should set a schedule for w****y shopping, no!” Iris exclaimed. They were already on their way out of the last shop that they went. Kapwa sila may mga dalang paperbags sa magkabilang kamay.
Umiling si Zachi at saka tiningnan ang kanyang cell phone. She was about to text their driver when a text from Ivo arrived.
From: Ivo
Will pick you up. Text me when you’re done.
Ngumuso siya at bumuntong-hininga. Napailing na lang siya rito.
To: Ivo
I’m on my way out.
Bumaling siya sa mga kaibigan. “Hey, girls, Ivo will pick me,” she informed them.
Agad na napatigil ang tatlo at tumingin sa kanya. Umirap lang ulit siya nang makita ang mga kakaibang tingin ng gma kaibigan.
“Seriously? Stop it, ha. Parang kayong mga Tita rin sa party ko. Gosh, ha,” komento niya pa. Tumawa lang ang tatlo.
“Yeah, yeah, whatever, bye na, we guess,” sabi ni Sheena.
Zachi shrugged. “I have ten minutes, I guess. Magda-drive pa iyon. Let’s get some refreshments muna,” aya niya sa mga ito at naglakad na sila papunta sa isang drink stall.
They just bought some juice and after that, naghiwa-hiwalay na rin sila. May kanya-kanyang mga kotse ang tatlo kaya sa basement sila dumiretso habang siya ay sa entrance ng mall dadaanan ni Ivo.
Ten minutes later, nakita niyang pumarada ang Ford ng kaibigan. Inayos niya ang mga shopping bag at saka lumapit dito. Bumaba rin naman si Ivo at tinulungan siya.
“Tsk. Seriously? Shopping na naman? You’re unbelievable, Zach,” sabi pa nito. Umirap lang siya at suminghap.
“And you’re OA no! Hmp!” Nagmartsa siya papasok sa front seat. Hinayaan niya na itong magpasok ng mga shopping bags niya sa likod. Nang makabalik ito sa driver’s seat, kita niya pa ang pag-iling nito sa kanya. Sumimangot siya.
“Grumpy grumpy na naman, Iv,” sabi niya pa.
Narinig niya itong bumuntong-hininga bago siya tiningnan.
“Sorry for being grumpy. I’m just overwhelmed to be honest.” Napakamot ito ng ulo. Napatitig lang siya rito.
“Why? Is Tito really retiring na?” kunot-noong tanong niya.
Ivo bit his lips and let out a sigh again. “Hmm not really. But he’ll give me the position next month already. This month is my preparation month,” anito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zachi. “Omg. Really?” excited na sambit niya at napatakip pa sa bibig. Ivo let out a chuckle.
Mas ngumisi si Zachi at hindi na napigilan ang pagyakap sa kaibigan. “Oh gosh! I’m so proud! Congrats, Iv!” Hinigpitan niya ang yakap.
She heard Ivo scoffed as he hugged her back. “Thanks.”
Napangiti na lang si Zachi at mas niyakap pa ang kaibigan. “Aww, you’re so cute, you can do this. I’m always here.”
“And I appreciate that. I’ll always be here for you, so please don’t be so stubborn, okay? I’m afraid I might not be available as all time like before,” he said before kissing the side of her head.
Zachi sighed. This is why she’ll never understand why people see her and Ivo to be in a relationship when it was very clear that what they have is a platonic one.