That whole day, sa bahay lang si Zachi. Mara stayed with her, too. It was a good thing because she was able to force Ivo to work. Hindi nga lang ito nagpunta ng opisina at nanatili pa rin sa kanyang kwarto. Hinayaan niya na lang ang lalaki na magtrabaho roon. Dumating din kinahapunan sina Iris at Sheena, may dala pang mga pagkain at drinks. “Para saan iyan?” tanong niya pagkabukas niya ng pinto. Ngumisi lang si Iris sa kanya. “To get off your mind lang sa mga nangyayari kaya ito nagdala kami ng foods and drinks for us!” excited na sabi pa nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at napailing. “Sa bar counter tayo,” sabi niya at nauna na sa may island counter. Sumunod ang tatlo sa kanya. Nagpatulong na muna siya sa kasambahay na naroon para i-set up ang mga pagkain. Nagpalu

