Naalimpungatan si Zachi nang marinig ang tila bulungan sa kanyang paligid. Napaawang ang kanyang labi nang maramdaman ang tila p*******t ng kanyang ulo. Huminga pa siya nang malalim bago kinusot-kusot ang kanyang mata. “Ate! Mom, Ate’s awake!” Boses agaid ni Zasa ang kanyang narinig. Naghihinang sinubukan niyang bumangon. “Zas, what – “ Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang may biglang yumapos sa kanyang malalaki at matitipunong braso. “Damn it, I was so worried, Zach!” Hinalikan siya ni Ivo sa pisngi. “Hija! Oh my gosh!” she heard her mom shouted. Gulong-gulo si Zachi sa mga nangyayari. Nakaupo na siya sa hospital bed at nakatabi na si Ivo sa kanya at hindi pa rin siya nito binibitiwan. Nakayakap lang ito sa kanya at saka ibinaon ang mukha nito sa kanyang balikat. Inilibot

