“Good morning, Miss Zachi!” “Morning!” nakangiting bati ni Zachi pagkapasok ng opisina nila. Dire-diretso siya sa kanyang cubicle at inilagay ang bag niya sa lamesa. “Magandang umaga po, Miss Zachi!” Agad na nanlaki ang mga mata niya at lumingon. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Joseph. Prenteng nakaupo ito sa swivel chair habang nakatutok sa computer nito. Napakurap-kurap pa siya para siguraduhing nandoon nga ang lalaki. “Okay ka lang, Miss Zachi?” natatawang tanong pa nito sa kanya. Napalunok tuloy siya. “Uhm, huh? Uhh w-wala! Wala!” Agad siyang nag-iwas ng tingin at mariing pumikit. Pinagalitan niya pa ang sarili dahil para siyang timang doon. She let out a sigh and slumped her back on the chair. Hindi pa rin siya makatingin kay Joseph. Naalala na naman niya tuloy iyong k