Hanggang uwian ay hindi pa rin mawala ang ngiti ni Zach sa labi. Gustong-gusto na nga niyang takbuhin na ang bahay nila para lang masabi niya kaagad kay Ivo ang balita. She’s super excited to share the news with her best friend. “Miss Zachi.” Natigil siya sa pag-aayos ng gamit at nilingon si Leen. “Hmm?” Nginitian niya ito. Hindi pa agad nagsalita si Leen. Nakatitig lang ito sa kanya at napakamot pa ng ulo na parang nahihiya sa kanya. Napakunot pa ang noo ni Zachi. “What is it, Leen?” natatawang sabi niya na kasi parang hindi mapakali ang babae. Parang may gusto itong sabihin pero hindi naman nito masabi o wala itong lakas na sabihin na sa kanya. Nakagat pa nito ang labi at nagkamot ulit ng ulo. “Uhmm sorry po, e, kasi pinapatanong lang po nila kung sasama po ba kayo mamaya?” sa w