"Miss? Pwede mo bang isalaysay ang nangyari dito?" tanong sa akin ng isang pulis "Teka, atat? atat? Nasa state of shock pa yung beshy ko sir." rinig kong singit ni Mika. "Right. Haggard pa si Aika. Mamaya na kapag nakapag retouch siya. May reporters ba?" sabi ni Annett "Oo nga kailangan maganda tayo--tumigil ka nga Annett! Puro ka kalokohan." saway ni Mika. "Ikaw din naman wag kang ano diyan." sabat ni Annett. "Aiks sigurado kang hindi ka pupunta sa ospital?" tanong niya. Pero wala akong kinakausap ni isa sa kanila. Nakatungo lang ako habang inaalala ang nangyari. Matapos ng ilang minuto ng pakikipagaway niya sa mga lalaking iyon. Rinig ko ang mga yapak na papalayo kasabay ang tunog ng sasakyan ng pulis. Nakayuko ako noon at nakayakap sa dalawa kong tuhod. Hanggang sa naramdaman kon