"Saan niyo po ba ako dadalhin?" kinakabahang tanong ko. Nasa kaliwa ko ang isang mataba at maraming tattoo na lalaki. Nasa kanan ko naman ang lalaking hindi ko alam kung kidnapper ko ba o bago kong kaibigan dahil kanina niya pa ako nginingitian. "Wag kang mag alala, hahanapin lang nila yung tape sayo." nakangiting sagot niya. "Hindi ko nga alam kung nasaan ang tape na sinasabi niyo." inis na sabi ko. "Anong tape ba yon? Scandal niyo ba?" lahat ng nasa harap na lalaki sa van ay lumingon sa akin. "HINDI!" napapikit ako at napalunok mang sabay-sabay silang sumagot. "S-Sabi ko nga hindi" bulong ko. Maya maya ay nakarating kami sa isang abandanong lugar na puno ng mga karton sa gilid at mga sasakyan nakaparada sa labas. "Dalhin niyo nayan sa loob." tinulak pa ako ng isa kaya muntik na ako