Nanatiling nakatingin ang teacher sa kanya at ilang sandali pa ay tumikhim ito. "L-Let--Let us start.." nabubulol na sabi nito at nag simulang mag buklat ng libro. "Anong sa tingin mong ginagawa mo?" bulong ko sa kanya. "Nagkaklase, hindi ba obvious?" ngising sabi niya. "Umayos ka Jake." napalingon lahat sa nagsalita. Si Shin. Umirap lang ang katabi ko at nilingon siya. "Takot naman ako." naka pout na sabi niya. May saltik ba ang isang ito? Mas malala pa ito kay Louie. Tumayo si Shin at iritadong tumayo si Jake. Agad ko siyang hinila paupo. "N-Not in my class please." sabi nung teacher. Napabitaw ako sa kanya nang ngusuan niya ako. "Naghahamon siya ng away." parang batang sabi niya sabay turo kay Shin. Sinenyasan ko siya na umupo. Mabuti naman umupo din siya. "Tss. Buti nga nagigi