Message 32

845 Words

Ang weird ng isang to. "Ganito. Ilalagay mo sa bulak yung betadine tapos ilalagay mo sa sugat ko." nakatitig lang ako sa kanya. Ginagawa niya naman akong three years old. "Alam ko." hinablot ko ang bulak sa kanya at nilagyan ito ng betadine. Medyo malalim rin pala ang sugat niya sa gilid ng labi. Napatitig ako sa mukha niya, sobrang gwapo din pala siya. Tanggalin mo nga lang ang eyeliner niya at ang mga piercing niya sa tenga. "Hindi mo ba ako namukukhaan?" natigilan ako at naibaba ang bulak. "Nagkita na ba tayo?" "Kinakalimutan mo lang ang isang poging tulad ko?" iling na sabi niya. "Two years ago. Sa isang fast food." kumunot ang noo ko. "Nevermind. Alam ko namang si Louie nalang ang laman ng isip mo." agad akong namula sa sinabi niya. "Hindi ah." "Sige na, gamutin mo na ako."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD