Marahas niya akong hinila paalis. Humawi ang mga tao at narinig ko ang mga bulungan nito. Umismid ako. Kilala siguro nila si Louie. Malandi talaga siya. Kilala siya ng mga babae dito? K. Gaano ba kasikat ang pangit nato? Tch. Nadaanan pa namin si Blake. Nginitian ko ito at kumaway nang tumigil kami sa harap niya. "f**k you for bringing her in this damn bar!" gigil na saad niya at hinila ako palabas. Kumaway pa ako sa kanya pero nakita ko siyang huminga ng malalim at umiling. Halos magkandarapa ako sa bilis niyang maglakad. "Ouch!" natapilok ako sa paghila niya sakin. Ngumuso ako at hinawakan ang braso ko. Pakiramdam ko magkakapasa ito. "Jerk." "Damn it." inalalayan niya akong tumayo pero hinawi ko ang kamay niya. "Bakit ka nandito? Doon kana sa babae mo! Makipaghalikan ka doon! Wala