Agad akong nagising sa mabangong amoy. Pamilyar. Dinilat ko ang mata ko at at gumulong sa kama. Puti ang bed sheet? Winnie the pooh ang bed sheet ko diba? Oh. My. God. Agad akong bumalikwas ng bangon at tiningnan ang buong paligid. Hindi ko kwarto ito. Kwarto ito ni.. "You're awake. How's your head?" agad akong napaatras at sumiksik sa kama. Hindi ako nagmumura pero s**t! Anong nangyari kagabi? Bakit wala akong matandaan? Napalunok ako at binatukan ng paulit-ulit ang ulo ko. "Stop hitting yourself." matigas na sabi nito. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Para akong nakuryente sa hawak niya. "B-Bakit ako nasa kwarto mo?" kinakabahang tanong ko. Okay. Uminom ako dahil nakita ko siyang may kahalikan at kayakap na babae. Tapos nalasing ako.. and then.. Sht! Bakit hindi ko