Umikot ikot ako sa harap ng salamin para tingnan ang bago kong uniform. Maikli ang skirt nito na three inches above the knee. At last, after two boring weeks sa bahay ni Louie balik school na ulit ako. Hindi na nga ulit ako kinontak ni Blake simula nang nangyari last week. Saka ko nalang siya kakausapin kapag ayos na ang lahat. Ang papa daw ni Louie ang nag asikaso sa pag transfer ko. Mabuti sana kung may kakilala ako sa school nayon, kaso wala. Ako lang naman kasi ang lilipat at hindi siya. Kakatransfer niya lang kasi sa school namin. Pero nakakaexcite parin! "Bagay ba?" patakbong sabi ko papunta sa kanya. Umiinom ito ng kape at prenteng nakaupo sa couch. Sinuri niya ang uniform ko. Sumama ang tingin niya at nag salita. "Too revealing." "Eh eto yung pinadala ng papa mo sakin eh!" m