"She's coming with me." hinila ako ni Louie sa gilid niya. "No. Sa akin siya sasama." Hinila naman ako ni Blake papunta sa gilid niya. Maagap na pinigilan ni Louie yon kaya ang sitwasyon, nakahawak silang dalawa sa braso ko at kulang nalang may lazer sa pagitan ng tinginan nila. Dinala ko kasi sila sa park. Nag tatalo sila dahil nakatanggap ng tawag si Blake na umuwi na sa kanila. Gusto niyang sumama ako sa kanya, para bumisita sa kanila. Kaso si Louie, agad akong hinila palayo kay Blake. "Ano ba tumigil nga kayo! Para kayong mga bata!" inalis ko ang mga hawak nilang dalawa. "Just go home motherfucker." sabi ni Louie. Sasawayin ko palang sana siya nang sumagot si Blake. "Wag kang mag english gago, nasa pilipinas tayo!" "Blake--" biglang kinuwelyuhan ni Louie si Blake at gigil na nags