Nakahiga ako sa kama at para akong fetus sa posisyon ko. Second day ko pa naman, kaya sobrang sakit ng puson ko. Nakakainis talaga ito si Louie, ngayon pa dumating. *bzzt bzzt* 1 Message Received From: Monster Still sleeping? Napapikit ako at hindi siya nireplyan. Minsan winish ko na sana wala nalang ganito ang mga babae. O kaya sana nararanasan din ito ng mga lalaki. Dahil sobrang sakit kapag meron kami. Mas masakit pa sa heartbreak! Narinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto. "You alright?" rinig kong tanong nito at pilit na binubuksan ang pinto. "Aika!" "O-Oo.." sabi ko pero parang binulungan ko lang ang sarili ko. Kinuha ko ang phone at tinext siya. To: Monster Wag kang maingay. Ilang sandali lang ay biglang tmunog ang phone ko. Kainis! Bakit kailangan niyang tumawag? Ais