Maaga akong pumasok at hindi ako sumabay kay Louie. Nakatira siya sa apartment ko, maraming issue na naman kapag may nakakitang sabay kaming lumabas ng kwarto. At sa tinanong ko sa kanya kahapon, may mukha pa ba ako ihaharap? Kung ano ano kasing tinatanong ko. Ugh. Nakakahiya, ngayon ko lang narealized. Kaya nauna akong umalis sa kanya, bahala siya kung may makakita sa kanya. Ewan. Bahala na. "Form your lines!" sigaw ng coach. Hindi ko akalain marami palang papasok sa P.E. Akala ko kasi lahat ng estudyante dito ay laging nag cutting classes. Kung dadaan ka kasi sa bawat room bihira lang ang mga nagtuturo na teacher. May natututunan pa kaya sila dito? Narinig ko ang pito kaya umayos na kami. Sila pala. Hindi pala ako kasali. Hirap pag red days. Volleyball ang laro nila, kung iisipin ac