Hinila niya ako palabas ng lugar nayon at bumalik kami sa malawak na parang parking lot. Pumunta kami sa mga motor na sunod-sunod na nakapila sa isang tabi. Nang lumingon kami sa likod ay nagsilabasan ang mga tao. Nakita ko ang lalaki kanina na tinatawag nilang X, lumapit ang grupo nito samin. "Let's race. Two lapse from here to the tank in this village." hindi ko man maintindihan ay alam ko ang tank na tinutukoy ni Louie. Mabato ang daan papunta doon dahil inaayos pa ito, at pansin kong makulimlim sa labas na mukhang uulan. "Deal. I'll make you pay for this L!" gigil na bulong nito. Ngumisi lang si Louie at mabilis na sumakay sa isang motor. Ganon din ang ginawa ng X. Sumakay siya sa isang motor at pumantay kung nasaan ang motor ni Louie. Nagsimulang umingay ang kaninang tahimik na