Nasa kwarto ako at nakatulala sa kawalan. Kanina pa kami nakauwi, at mula ng sumakay kami ng kotse niya ay wala kaming imik dalawa. Dumaan pa nga kami sa isang store para bumili ng mainit na tubig. Wala sana akong balak sumakay ng kotse niya dahil basa ako. Pero wala lang sa kanya iyon at mabilis na nag drive pauwi. Napahinga ako ng malalim. Bakit ba kasi napaka bipolar ng isang iyon? Minsan okay naman siya, minsan sobrang nakakainis. Hindi ko talaga siya maintindihan. Napatingin ako sa bintana ng kwarto. Umuulan parin sa labas. Sa ganitong mga panahon namimiss ko sila Annett at Mika. Palagi kasi kaming kumakain ng mainit na noodles kapag umuulan. Matawagan nga ang mga iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial si Mika. *The number you've dialed is not yet in service, please try you