CHAPTER 13

1694 Words
Nanatili man akong nakatago sa dibdib ni Senyorito ay ramdam ko ang tensyon ng lahat. Unti-unti tuloy napalitan ng kahihiyan at pagkabahala ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ngayon lalayo sa kaniya o . . . kung gusto ko nga bang malayo. His arm around my waist sent butterflies in my stomach. A chuckle brought me back in reality. "I don't think it is proper to treat your maid like that," said by the mysterious man named Konnor. Para naman akong tinamaan doon kaya awtomatiko akong dumistansya. Napansin ko ang babaeng kasama sa pagpupulong na nakatayo na mula sa kaniyang pagkakaupo, matalim ang mga titig sa akin. Ang mga matatandang Epsilon naman ay tahimik ngunit ramdam ko ang bigat sa kaniyang mga tingin. Wala sa sarili akong napalunok. Ito na ba? Magiging hapunan na ba ako ng mga awu awu na ito? "P-Pasensya na po, hindi ko po sinasadyang yumakap. Natakot lang ako, hindi pa po ako sanay na malapitan ng mga—" awu awu "—tulad niyo," paliwanag ko sa mga kasamahan ni Cleon. Hindi ko matingnan si Senyorito. Ngayon 'ata ako lubos na tinablan ng hiya. Nakayuko akong lalayo sa kaniya, ngunit nagulat ako nang maingat niya akong hawakan sa braso at iginiya sa kaniyang gilid. Pareho na kaming nakaharap ngayon sa Alpha na kausap niya. He's stern as he watched us. Tila may gustong makuhang sagot sa bawat kilos namin. Bahagya tuloy akong kinabahan na baka nagkaroon siya ng ideya sa totoong rason nang pagyakap ko kay Senyorito. "Wala kang karapatan na pakialaman ang pamamalakad ko," matigas na wika ni Cleon. Isang tipid na ismid ang pinakawalan ng lalaki sa harapan namin. "How sweet of you, Alpha." Then he looked at me. "How about you, lady? Are you also this sweet?" dobleng kahuluguhan niyang wika. Ang lintek na 'to, gusto pa 'ata akong gawing dessert! Sinabi ng safeguard lang ang sabon ko! Kinain man ng takot ay matapang ko siyang sinuklian ng tingin at ngumiti. "Oo. Sa sobrang sweet ko, yumayakap ako nang mahigpit sa leeg sabay tagas sa tagiliran. Want to try?" Maarte kong inangat ang kaliwang kilay ko. Gan'yan nga, pakalmahin mo ang sarili mo, Faraiah. Mang-dogshow ka lang tutal awu awu naman 'yang nasa harapan mo, high breed nga lang. He didn't answer. Marahan niya lamang na binasa ang ibabang bahagi ng kaniyang labi at tipid na ngumiti. Nakakapanindig balahibo. "You are in my territory, Konnor. You're just here to check and maintain our peace agreement. You can now leave," pagtataboy ni Senyorito sa malamig na tono. The guy smirked and without a word, he turned his back and leave. Asta akong magpapakawala nang malalim na hininga bilang pagkalma nang may humatak sa balikat ko. The moment my face turned, a strong slap landed on my cheek. "How dare you, a mere fvcking slave touched our Alpha?!" gigil at nanlilisik na matang ani ng babae na kasama ng mga Epsilon na ngayon ay nasa harapan ko na. It really shocked me. Her fangs and claws were on display. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. I stepped aback as fear automatically consumed me. Nabuwal ako dahil doon at napasalampak sa sahig. Mabilis akong dinaluhan ni Miro pero ang atensyon ko ay nasa babae lang. "P-Pasensya na po. H-Hindi ko sinasadya," nanginginig na wika ko. She let out a mocking laugh. "He's your master, stupid! Always bear that in mind." "Enough, Aica. Let's just continue our meeting. This is not worth to talk about," Cleon said coldly and went back to his seat. Hindi ko alam kung saan ako mabibigla. Sa sinabi ba ni Senyorito o sa pagbabago na naman nang pagtrato niya sa akin. Pero alinman sa dalawa, pareho lang akong nabigo. Kung hindi ko inaasahan ang pagsampal sa akin ng babaeng kaharap ko, mas hindi ko inaasahan ang kilos ni Senyorito. Why? "Miro, bring her to her room," he commanded. Hindi naman sumagot si Miro at simpleng yuko lang ang ginawa sa gilid ko. "Let's go," seryoso niyang pagkausap sa akin. Wala sa sarili akong sumunod sa pag-alalay niya. Hindi katulad nang nauna, hindi ko na nilingon si Senyorito para umasa sa pagbabago ng isip niya. Peke na lang akong ngumiti at pilit na inalis ang pait na kumakalat sa sistema ko. "You, okay?" nakikiramdam na tanong ni Miro nang nasa harapan na kami ng silid ko. I just gave him a nod. "Magpapahinga na ako. May pasok pa ako bukas." He stared at me for a second, then let out a breath. "Hindi ko rin alam kung ano'ng tumatakbo sa isip ng Alpha. Naguguluhan din ako sa mga kilos niya," aniya. "Kino-comfort mo ba ako?" Inirapan ko siya. He shrugged. "Kung iyon ang tawag mo." Once again, I rolled my eyes. "Alam mo, sa halip na iyang hari niyo ang pag-usapan natin, bakit 'di mo na lang ako kwentuhan kung sino 'yong lalaki kanina? Bakit siya narito? Akala ko ba hindi pwede malaman ng iba ang sitwasyon ni Senyorito, bakit mas lalo niyo lang siya inilapit sa posibleng kapahamakan?" Miro smirked and shook his head. Tila hindi makapaniwala sa magkakasunod kong tanong. "Do you like our Alpha, young lady?" Mabilis na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng aking panga. "H-Ha! Anong kahibangan 'yan, aber? Ano tingin mo sa akin, pet lover?" tanong ko pabalik habang naglilikot ang mga mata ko sa paligid, iniiwasan na tingnan siya. Akala ko ay aasarin niya ako pabalik pero nagseryoso lang ang mukha niya. "Konnor is an Alpha of the other pack. Tulad sa inyong mga mortal, may mga panahon na nagsasama-sama ang mga lider ng iba't ibang bansa para mapanatili ang kaayusan ng bawat nasasakupan." Napatango na lamang ako sa pag-intindi. May punto naman. Para maipakita ang dominance ng bawat organisasyon, kailangan din nilang maipakita na maayos ang pagtakbo nito sa ibang lider. Sakaling mapansin ng ibang grupo o ng mismong nasasakupan na hindi na kayang tumindig ng Alpha sa kaniyang pamilya, dalawang bagay ang pwedeng mangyari. Una, ang masakop sila. Pangalawa, awtomatikong pagpapalit ng tagapamahala. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Magkahalong mangha at pangamba ang aking naramdaman. Paghanga dahil tila kahalaga ng isang bansa ang kanilang grupo, pangamba dahil malaking responsibilidad ang kailangang buhatin palagi. Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon ng pagpupulong, bagama't hindi ko na sila natatanaw ay naiimahe ko sa aking isip ang seryoso nilang pagpupulong. I emptily smiled in the back of my mind. A mere slave. Tila isang sampal iyon sa akin, patunay na hindi talaga ako kasali sa mundo nila. Hindi ako nalulungkot na maging tao, hindi ko rin hinihiling na maging isa sa katulad nila. Pero ganito pala talaga kabigat kapag ikaw lang ang naiiba. "Magiging ligtas naman siya, 'di ba?" bulaslas ko. "Don't worry, the meeting will end soon." Tipid na lang akong ngumiti at namamaalam na tumango. "Magpapahinga na ako. Magkita na lamang tayo bukas," sabi ko kay Miro. Tumango lang din naman siya sa akin at tuluyan nang umalis. Sinimulan kong buksan ang pinto ang silid ko at pumasok, asta ko na iyong isasara nang nagulat ako sa pagpigil ng isang kamay. "S-Senyorito. A-ano po ang ginagawa niyo rito?" utal kong tanong sa pagkabigla. He didn't speak. He just stared on my face with his unreadable eyes. Mayamaya pa ay nakita ko ang pagdaan ng saglit na galit doon. "M-May kailangan po ba kayo?" Gusto kong magmura dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya lalo na at may pagpupulong siyang pinagkakaabalahan. Mas lalong hindi ko rin naisip na haharap siya sa akin pagkatapos nang pagpapaalis niya kanina. "Come with me," aniya at basta akong hinila sa aking pupulsuhan. Napaawang ang bibig ko habang nagpapadala sa paghila niya. What the hell is happening? Nakahithit ba siya ng rugby? Teka . . . nagiging high din ba ang awu awu sa rugby? Dinala ako ni Senyorito sa kusina at pinaupo sa isang upuan. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang nagtungo sa refrigirator. Mayamaya pa ay may isang cold compress siyang inihanda na nakapagpakunot ng noo ko. May sakit ba siya? Gusto ko mang umimik ay pinanatili ko na lamang tikom ang bibig ko at tahimik na nanuod sa kaniya. Napaayos ako sa aking pagkakaupo nang nagsimula siyang maglakad patungo sa akin pagkatapos ng kaniyang ginagawa. Naupo si Senyorito sa katabi kong upuan at seryosong humarap sa akin. "Lumapit ka," simpleng utos niya. Hindi agad ako nakakilos. Inisip kung paano susundin ang utos niya. Alam kong hindi ako gano'n katalino pero nakakabobo talaga sumunod sa utos na walang malinaw na instruction. Mas mahirap pa 'ata ito sa true or false. Sa pag-iisip na baka gusto niyang gamitin ang cold compress sa kaniyang ulo ay asta akong tatayo para lumapit sa kaniya pero isang irit ang napakawalan ko nang walang kahirap-hirap niyang nahila palapit sa pwesto niya ang inuupuan ko. Ilang pulgada na lang tuloy ang layo ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay natigil ang paghinga ko. Natatakot na maramdaman niya ang pagiging balisa ko sa bawat hangin na pakakawalan ko. "Dapat ay hindi ka na nagpunta," malumanay na wika niya bagama't nanatiling walang emosyon ang kaniyang mga mata. Awtomatiko akong napaiwas ng tingin at pilit na ngumiti. "Pasensya na po." Hindi ko naiwasan na pigilan ang pagiging tunog bigo sa aking boses. Gano'n niya ba talaga kaayaw na makita ako o makasama sa pagpupulong? Napatuwid ako sa aking pagkakaupo nang lumapat ang isang malamig na bagay sa aking pisngi. Mabagal na bumaling ang ulo ko pabalik kay Senyorito. Alam kong namimilog ang mga mata ko sa oras na ito pero hindi ko na iyon nabawi pa. Mariin akong napalunok. "A-Ano po'ng ginagawa niyo?" "Treating you," mabilis na sagot niya. Literal na napaawang ang bibig ko matapos kong marinig iyon. Saka ko lang naalala ang sampal na natamo ko kanina sa kasamahan niya. Saka ko lang naramdaman ang kaunting kirot sa aking pisngi. Para akong isang apoy na biglang nanghina dahil sa kaniya. "You are scared of me, right? Hindi mo na dapat pinilit ang sarili mo." In a brief moment, I saw how his eyes softened a bit before it went back to being emotionless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD