Malakas ang bawat kabog ng dibdib ko. Ilang minuto na lamang ay darating na ang mga inaasahang bisita rito sa mansyon. Halos mabaliw na ako sa mga posibleng eksena na pwedeng mangyari habang nagpupulong sila.
"You should calm down," ani Miro sa gilid ko marahil ay napansin ang aking pagiging balisa.
I rolled my eyes. Oo, sinigurado naman nila sa akin na hindi nila ako pababayaan kay Senyorito, pero paano kung ang mga bisita naman nila ang magwala?
Kung magkagatan sila, edi lugi ako. Ano'ng laban ng pantay kong ngipin sa matutulis nilang pangil, aber?
"Go to your room."
Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Senyorito sa salas kung nasaan kami ni Miro. Si Manang ay abala sa kusina para sa paghahanda, hindi na niya ako pinatulong dahil kaya niya na raw iyon, hindi naman na ako nagpumilit pa. Mamaya may dugo pa akong makita roon, magtatakbo pa ako nang wala sa oras.
Taka kong inangat ang paningin ko kay Senyorito na may seryosong titig sa akin. "Po?"
"Go to your bedroom. Saka ka na lumabas pagkatapos ng pagpupulong," paglilinaw niya.
"Alpha—" naputol ang tutol na pagtawag ni Miro nang balingan siya ng tingin ni Senyorito, tila sinasabihan si Miro na huwag nang mangialam pa.
"P-Pero bakit?" pagsingit ko na nakakuhang muli ng atensyon niya. "I mean . . . sabi mo kailangan mo ako?" dagdag ko pa.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko pagkatapos. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil lalo akong tumatalon sa kapahamakan. Kung tutuusin ay dapat sumunod na lamang ako at hindi na nagtanong pa dahil pabor sa akin ang kaniyang gusto.
"I don't need to explain, just leave," he said coldly.
Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kaniya, May kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib sa pagpapaalis niya. Hindi ko matuloy kung bakit. Disappointment? Sama ng loob? Hindi ko alam.
"Okay," tipid kong sambit at tuluyan nang tumayo mula sa aking pagkakaupo.
Isang beses ko muna siyang tiningnan bago ako nagsimulang maglakad palayo. Mabibigat ang aking mga hakbang, hindi ko alam pero umasa akong tatawagin niya ako pabalik, ngunit hindi nangyari iyon. Mapait akong napangiti habang isinasara ang pinto ng aking kwarto.
Hindi niya talaga ako kailangan.
Tulala akong nahiga sa aking kama. Nakakatawa lang dahil daig ko pa ang may iniisip pero ang totoo ay blangko ang utak ko. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para umidlip pero hindi ako kailanman dinalaw ng antok. Napabuntonghininga na lamang ako sa huli at saka bumangon. Hindi ako mapakali.
What's with a sudden change?
Gusto kong sumilip. Gusto kong makiusyoso. Gusto kong tumabi kay Senyorito habang nakikipag-usap siya sa kauri nila, pero . . . naisip ko rin na baka nga mas okay na wala ako roon. Hindi dahil sa ayaw niya o takot ako, kundi dahil isa akong mortal. Hindi ako katulad nila, malayong-malayo. Nakakahibang dahil tila naramdaman kong hindi talaga ako nababagay rito.
Isang katok ang pumutol sa magulo kong pag-iisip. Kunot-noo akong napatingin sa direksyon ng pintuan ko nang marahan iyong bumukas. Agad na tumambad sa akin ang tamad na mukha ni Miro. Hindi ko tuloy maiwasan na irapan siya.
"What?" anas ko.
"Let's go," aniya na ikinagulat ko.
"Pala-desisyon ka. Hindi 'yan utos ni Senyorito, 'no?" Muli akong umirap.
Letcheng awu awu 'to. Muntik na akong umasa, mabuti na lang matalino ako.
Napapikit siya at napamasahe sa kaniyang sentido. "Sasama ka ba o hindi?"
"Aba, at binigyan pa akong ultimatum. Kung palayasin ako niyon, edi lugi ako."
He took a deep breath. "He truly needs you there, and I'll take the responsibility if you come with us. I could handle his rage, but I couldn't take the risk of this meeting. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?"
Natahimik ako sa pagiging seryoso niya. Naroon ang pagkabahala at pag-aalala niya para kay Senyorito. Hindi ko alam kung dahil sa pagiging Beta niya o dahil sa kapatid niya ito kaya ayaw niyang mapahamak si Cleon.
"Sigurado kang ikaw ang sasalo ng sisi, ah!" ani ko kasabay ng aking pagtayo.
A ghost smile appeared on his lips. "Hindi ako bumabali sa binibitiwan kong salita."
"Dapat lang, kundi ikaw ang babalian ko." Isang irap ang pinakawalan ko bago naglakad palapit sa kaniya. "Anyway, pwede ko bang malaman kung anong klase ng awu awu ang darating?"
Bahagya pa siyang napangiwi sa tanong ko. "They are the Epsilons."
"Epsilons? Bakit ang dami namang uri, eh, pare-pareho lang naman kayong tumatahol," wala sa sariling sambit ko.
Agad niya akong sinamaan ng tingin. "Obviously, because we are a pack. Tulad niyong mga mortal, may iba't ibang ranggo rin ang mga namumuno sa inyo. Sa isang barangay, sa isang distrito, sa isang bansa. Epsilons are within the highest range of the pack's middle rank, sila ang matatandang werewolves. Young Epsilons will usually make Gamma, Beta or even an Alpha later in life. Our alpha holds the highest rule, but we are still respecting them. Kaya nagaganap ang mga pagpupulong para mapanatili ang maayos na palakad sa nasasakupan namin. Like what I've said before, maaaring magkaroon ng gulo—isang pananakop— sakaling malaman ng ibang pack ang sitwasyon ng Alpha."
Napanguso ako at saka napatango sa pag-intindi.
"They are already here, are you coming?" seryosong usal niya.
My forehead creased. "Ang bilis mo naman makaramdam. Gan'yan ba talaga kayo?"
"Do I still need to answer that?" tugon niya pabalik.
Napangiwi na lamang ako kahit pa nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Mauna ka na, susunod ako. May be-breathing exercise muna ako."
Isang malakas na hininga ang pinakawalan niya na tila nauubusan ng pag-asa sa akin na magseryoso at saka umiling. "Okay. Huwag kang magtatagal."
Gusto ko siyang irapan at sabihing seryoso na ako sa lagay na ito kaso nonsense iyon, kailan ko ba siya nakasundo, aber?
Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Nanatili naman akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habang nakaharap sa aking pintuan. Paulit-ulit na inihahanda ang sarili ko.
"Okay, Faraiah. Wala kang ibang gagawin kundi sumama kay Senyorito. Pigilan mo ang bibig mo na magsalita dahil baka kagatin ka nila. Behave, okay?" pagkausap ko sa aking sarili. "Isipin mo na lang na nasa isang stage play ka. Ikaw ang puno sa gilid, gano'n."
Napatampal ako sa aking noo kasabay ng aking pag-ungot. Nababaliw na ako!
Ilang minuto pa akong nanatili sa aking pwesto. Ang totoo ay hindi gano'n kalaki ang takot ko sa mga bisita, mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Senyorito sakaling tumuloy ako. Ayaw ko na sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman niya akong paalisin.
Bahala na si Hello Kitty.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at sinimulang ikilos ang mga paa ko palabas ng silid. Agad na naghanap ang mga mata ko, unti-unti ko silang naririnig habang palapit ako sa tanggapan ng mansyon. Nang tuluyan ko na iyong narating ay bumungad sa akin ang seryosong pagsasalita ni Senyorito. May tatlong matatandang awu awu sa mesa, may isa ring babae, at isang nakalikod na lalaki mula sa aking pwesto. Nagtama ang mga mata namin ni Senyorito na ikinatigil niya sa pagsasalita. Natuon tuloy sa akin ang atensyon ng lahat.
"Isang mortal?" taas na kilay na wika ng babae.
Maganda siya. Iyon lang ang tanging masasabi ko. Nakaramdam tuloy ako ng panliliit dahil bakas ang kapangyarihan sa awra niya.
Senior cleared his throat and continued talking. "Don't mind her, she's my new maid," he said coldy.
Napansin ko ang marahan na paglingon ng lalaking nakatalikod kanina sa akin. My breathing hitched when our eyes met. I got chills and I don't know the reason why. Hindi ko alam pero nakapamilyar ng mga mata niya.
A smirk flashed on his lips. "Your maid is beautiful."
"You are here for the meeting. Don't mess with my people, Konnor," ani Senyorito, bakas ang pagbabanta sa kaniyang tono. "Come here," sunod niyang usal nang tingnan ako.
Wala sa sarili akong napalunok at nangangatog na naglakad patungo sa pwesto niya, sa kaniyang likuran kung saan naroon din si Miro.
"Chill. I'm not doing anything. I just complimented her," tumatawang saad ng lalaki.
Hindi ko man nakikita ang mukha ni Senyor ay pansin ko ang pag-igting ng kamay niya sa hawak niyang kopita.
"Who is he? Akala ko ba ay matatanda lang ang nandito?" bulong ko kay Miro.
"He's an Alpha from the other pack," tipid niyang sagot sa akin.
Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka.
Bakit kasali siya rito?
Gusto ko man na magtanong pa, natakot na akong umimik dahil baka may posibilidad na naririnig ako ng lahat.
"So, back from what we are talking. Bakit ngayon mo lang nagawa ang pagpupulong na ito?"
Hindi ko alam pero wala akong tiwala sa kaniya. Bukod sa Alpha siya ng ibang pack, iba ang epekto ng awra niya sa akin. Hindi ko maiwasan na titigan siya.
"I just finished some things," tipid na tugon ni Senyor at uminom sa kaniyang kopita.
Napatayo ako nang maayos nang napansin ko ang munting panginginig doon.
Is he okay?
The guy chuckled. "Ang tagal naman nang inayos mo."
Nag-igting ang panga ko sa tono nang pananalita ng lalaki. Hindi ko alam pero mukhang sinasadya niyang inisin si Senyor.
"Did you just come here to ask that?" ani Cleon.
The guy shook his head. "I just come here to make sure that you are still alive, now that I saw you breathing perfectly I can now leave the table."
"You've been talking out of line," the girl interrupted and looked at Cleon.
"Hmm. Masyado ba akong naging straight?" He let out a chuckle. "Sorry for that," he said and stood up from his seat.
Nagulat ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti, isang ngisi na nakapanindig ng mga balahibo ko. "Maaari mo ba akong ihatid palabas, binibini?"
He started walking towards me. Hindi naman ako nakakilos o nakagalaw man lang. Para akong naparalisa sa sandaling iyon hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa harapan ko.
Napansin ko ang pagyuko at pagbaba ng kamay ni Senyor sa ilalim ng lamesa, nakapatong iyon sa kaniyang tuhod. Mayamaya pa ay nanlaki ang aking mga mata nang nagsimulang manulis ang kaniyang mga kuko. Maski ang munting pag-ibo ni Miro sa aking gilid ay hindi nakatakas sa aking pakiramdam.
Marahan na tumayo si Senyor at humarap sa direksyon namin. Napaawang ang labi ko nang nakita ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata. Astang lilingon ang lalaking kaharap ko kay Senyorito nang mabilis akong naglakad patungo sa kaniya.
"Cleon," pikit-matang tawag ko sa takot kasabay nang mahigpit kong yakap.
Gasps echoed all over the place. Lalo tuloy akong natakot na magmulat dahil baka nalaman na nila ang sitwasyon ni Senyorito, ngunit mabilis na napawi iyon nang naramdaman ko ang mainit na bisig na pumulupot sa aking bewang.
"She can't. You may leave on your own." Boses iyon ni Senyorito.
At that moment, a tear escape from my eye. It really works.