Chapter Twenty Seven REBECCA NAKANGUSO kong tiningnan ang damit na binigay ni tita. Wala na akong ibang choice kundi suotin ito. Nasa trabaho na kasi si Gretchen at naka-lock pa ang kanyang kwarto kaya hindi ako makakahiram ng damit sa kanya. Faded red and kulay ng damit dahil na rin siguro sa kalumaan nito. Bestida na long sleeves ito. May beads sa bandang dibdib at itim na belt rin. Sa tingin ko ay pang-fit iyon ng beywang. Siguro ay hanggang tuhod ko lang ang dress na ito. Hindi ko na sinabihan pang tumalikod si Paeng nang isusuot ko na ang damit dahil wala ng sense iyon. Nakita naman na niya ang kahubaran ko kaya hindi na ako nakaramdam pa ng hiya. Ngayon ay nakangiti siya habang pinapanood akong isuot iyon. Pinagkrus niya pa ang kanyang braso sa kanyang dibdib na para bang