Chapter Twenty Six REBECCA NAGISING ako dahil sa bahagyang pagyugyog ni Paeng sa balikat ko. "Bangon na. Lunch time na," Kinusot ko ang mata ko saka tumitig sa kanya na sa tingin ko ay bagong ligo lang. Amoy na amoy ko pa kasi ang pink na safeguard na gamit nito. Napaka fresh niyang tingnan sa suot niyang puting tank top at asul na board shorts. Lalo tuloy bumalandra sa paningin ko ang kanyang tattoo sa kanyang braso pataas sa kanyang leeg. Napaka ganda talaga. Very detailed. Tumaas naman sa kanyang basang buhok ang paningin ko. Medyo mahaba na ang buhok niya kaya mas nagmukha siyang bad boy. Pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan. "Hindi ka na galit sa akin mahal?" saad ko habang pilit na hinuhuli ang paningin niya. Ang sungit niya kasi. Maya-maya pa ay nilingon niya ako at