Chapter Thirty Five REBECCA DAHAN-DAHAN kong nilingon si Alvin na ngiting ngiti pa sa akin ngayon. I really hate him. Akala ko noon ay mabait siya, napaka arogante pala niya. But I have to plaster a fake smile on my lips in facing him because he is still my boss. "Thank you, sir," mabilis kong iniwas ang paningin sa kanya dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Iisang lalaki lang ang gustong-gusto kong titigan. Si Paeng iyon at wala ng iba pa. Naalala ko na naman kung gaano kaganda ang kanyang mga mata na sa una'y aakalain mong malamig at marahas ngunit may tinatago rin pala itong ka-sweetan. Lihim akong ngumiti ngunit may halong pait iyon. Nakaya kong umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya ngunit heto ako ngayon, pilit na nilalabanan ang kalungkutan na aking nadarama.