Chapter Thirty Four REBECCA NAKARATING na ako sa San Mariano. I immediately called Brix dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit sa dibdib ko. "BAKLA ka, kaya mo yan. If you need me to go there, sabihin mo lang," "Huwag na Brix, gusto ko lang talaga ilabas tong sama ng loob ko," kako saka pinunasan ang aking basang pisngi. "Sigurado akong ang pangit mo umiyak. Talo ka na sa beauty ko," natawa ako sa sinabi niya. "Thanks Brix hah?" "Wala iyon bakla, sige na, narito na ang boss ko kaya babush! Text me lang kapag need mo ako okay?" "Opo, opo, bye," Nagtungo ako sa harapan ng salamin saka tiningnan ko ang sarili. I looked devastated. Sinubukan kong ngumiti ngunit halatang pilit lang iyon. Bumukas ang pinto at bahagya pa akong nagulat nang makita ko si manag Julie. "Kumusta ka hija