Chapter Thirty Three PAENG "ANONG nangyari? Si Zaira ito," narinig kong aniya kaya kinusot ko ang mata ko at napagtanto kong tuluyan na nga pala akong iniwan ni Rebecca. Sinabunutan ko ang sarili baka sakaling bumalik na ako sa dati. Iyong walang dinaramdam na sakit. Parang noong wala pa si Rebecca sa buhay ko. Umasa akong si Rebecca iyon ngunit akala ko lang pala iyon. Si Zaira iyon. Hawak-hawak pa niya ang ilang pumpon ng bulaklak na sa tingin ko ay para iyon sa kanyang lolo. Umiikot pa rin ang paningin ko sa paligid. Katulad ng pag-ikot ng mundo ko sa isang babae na iiwan lang din pala ako. Ngayon lang umepekto sa akin ang alak. Hinawakan niya ang kamay ko pero hinaklit ko iyon. "Huwag mo akong hawakan," "Pero lasing ka. Kailangan mo ng tulong. Hindi mo na kayang tumayo,"