Chapter Seventeen (Read at your own risk) REBECCA BALAK ko sanang gabi na ako pumunta kila Paeng, but I can't help it. Gusto ko na kaagad siyang makita lalong lalo na't birthday niya ngayon. Hindi ako nagparamdam sa kanya. Tiniis kong hindi siya i-text o tawagan. Pagkatapos ng tanghalian ay nagbihis na ako dahil napagdesisyunan kong ngayon na ako pupunta. Hindi ko na hinintay pa sila kuya Angelo. Nang makarating sila ay pinagbuksan ako ng kanyang kapatid. "Pasok ka ate, mabuti at nakarating ka! For sure, matutuwa si kuya," nakangiting saad niya. "Oo nga eh, na-miss ko rin kasi yang kuya mo," natatawang wika ko. "Wow, sana all ate," aniya. "Nasaan pala siya?" "Nasa kusina ate, gulatin mo nga," natatawang saad niya. Nagtungo ako sa kusina at nakita ko sila ni tita na naghuhugas