Chapter Twenty REBECCA SINUNDAN ko na lang ng tingin ang mga magulang kong paalis na. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Basta ang alam ko lang ay gusto kong sundin ang puso ko. Nagsawa na rin ako sa pagiging sunud-sunuran sa kanila. Niyakap ako ni Paeng mula sa aking likod. "Mahal, nagugutom na ako," saad niya. I trust this person. Saludo ako sa kanyang katapangan. Dahil doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang harapin kung ano man ang magiging consequences nito. Hinarap ko siya, "Magluluto na lang ako mahal. Siguro naman ay may laman pa ang Fridge ni kuya." Akmang papasok na ako sa kusina ngunit pinigilan niya ako. "Hindi na ako makapaghintay babes. Sa labas na lang tayo kumain," nagpapa cute pang aniya. Natawa ako sa inasal niya dahil mukha siyang batang pabebe. "