Chapter Twenty One REBECCA "PAENG, bitiwan mo ako sabi eh!" sigaw ko nang bigla niya akong hatakin sa loob ng banyo. Nakangiti pa ito habang sinasalakay ng halik ang labi ko. "Yan ang parusa sa babaeng selosa," saad niya saka kinagat ang aking labi. "Aray naman!" reklamo ko. Natigil lamang siya nang may kumatok sa pinto. "Tol, lumabas na kayo diyan, puputok na itong pantog ko," ani Samson. Nakakahiya gosh. Kaya naman sa inis ko kay Paeng ay inapakan ko ang paa niya. "Ughhh," ungol niya. Nanlaki naman ang mata ko. "Hanep, umiiskor na ang Paeng!" narinig ko pa ang papalayong halakhak ni Samson. Humagalpak naman si Paeng kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka ba ungol nang ungol? Hindi naman kita inaano ah," "Masakit kaya ang ginawa mong pag apak sa paa ko labs. Kaya kasala