Chapter Twenty-two (Read at your own risk.) REBECCA "PAENG!" sigaw ko dahil umalis na siya. Ipapakilala ko sana siya kay Alvin na siya ang boyfriend ko ngunit bigla na lang niyang tinanggal ang kamay kong nakakapit sa braso niya. I'm sure na nagseselos siya. Pero ngayon lang siya nagkagano'n. Madalas kasi ay possessive siya ngunit ngayon ay iniwan niya ako na para bang pinapaubaya na ako sa ka-dinner meeting ko. Tumikhim si Alvin, "Shall we?" "O-okay," nag-alinlangan pa ako habang sumusulyap sa aking likuran baka sakaling bumalik si Paeng. Galit ako sa kanya sa tuwing nakakapanakit siya ng mga lalaking umaaligid sa akin. Ngunit ngayon ay nanibago ako dahil iniwan niya na lang ako nang hindi man lang nagpapaalam. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa mall. Iginiya niya ako sa isang