Bago naghapunan ay inanunsyo ni Paloma na gusto niyang makausap sina Lilian at Alexander at pati na rin si Philip. Nagtaka si Paloma kung bakit kasali sa usapan ang ama ni Marcus. Pati si Marcus ay nagtataka rin. “What is this all about?” Tinanong ni Daniella si Paloma. “Confidential muna, Ella.” Sumagot si Paloma. Parehong nagtaka sina Alexander at Lilian kung bakit mukhang urgent ang kanilang pag-uusapan kasama si Philip. Sa kanilang apat na nasa loob ng library ay si Philip lang yata ang kalmado at hindi nagbago ang ekspresyon. “May clue ka ba kung ano ang sadya ng mama mo?” Tinanong ni Alexander si Lilian ngunit umiling lang ito. “I wish I have,” sagot ni Lilian ngunit ang kanilang pabulong na pag-uusap ay natigil nang b