Two years later… Kung alam lang niya na magiging abala siya sa kanyang gift shop, sana’y hindi na lang niya itinuloy. Pakiramdam kasi ni Lilian ay hindi na niya nagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Alexander at bilang ina sa dalawa niyang chikiting. Kung sa laki ng kita ang pagbabasehan, dapat ay matuwa siya para sa shop. Ang negosyo na kanyang sinimulan noong heartbroken pa siya, at sa kasalukuyan, tingin niya ay ito rin ang sisira sa kanilang relasyon ni Alexander. Isang pambihirang tagpo na sama-sama silang mag-almusal dahil lahat sila ay abala sa kanilang hanapbuhay. Kung may resort at plantation si Daniella at Marcus, siya naman ay mayroong giftshop at detective agency naman ang kay Alexander. Pangmasa lang kasi ang presyo niya nguni pang-sosyal ang dating
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books