Dahil sa sobrang pananabik na makapiling ang bawat isa ay buong magdamag silang gising at nagkukwentuhan in between sa kanilang p********k. Andami na kasing nangyari sa loob ng ilang buwang hindi sila nagkasama. “Akala ko ay hindi ka na talaga magpapakitang muli sa akin,” mahina ang boses ni Lilian habang tinanong ang lalaki. “P’wede ba ‘yon? Eh mahal na mahal kita,” sumagot si Alexander. Tumango lang si Lilian dahil inaantok na talaga siya. Sa sobrang antok ay nahirapan na siyang ibuka ang kanyang mga mata. “Tulog na tayo,” sabi niya kay Alexander. Nainis si Alexander sa naging sagot ng babae dahil kanina pa niya napansin na parang wala itong gana na sagutin siya ng maayos. Tumagilid siya at kinabig ang babae. “May problema ba tayo?” “Bukas na lang tayo mag-usap please,” pakiusap