Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mungkahi ni Daniella na kailangan muna niyang kalimutan si Alexander at mag-pokus sa sarili. Kung palagi raw niyang iisipin ang lalaki ay baka mababaliw ra siya. Mas maigi raw na tumigil na muna siya at hayaan ang kapalaran at konting kalandian balang-araw upang makuhang muli ang lalaki. Pero sobra naman yata ang ginawa niyang paghihintay. Hindi pa rin kasi nagpahiwatig si Alexander na babalikan siya. Mag-anim na buwan na simula noong nagkahiwalay sila ngunit wala pa rin. Maski anino ng lalaki ay hindi nagpapakita sa kanya o kahit magparamdam man lang sana. Alam ng lalaki ang lahat ng contact details niya kaya malapit na siyang mawalan ng pag-asa na sumunod sa mga mungkahi ni Daniella at gagawin na lang kung ano ang sa tingin ni